Sunday, November 27, 2011


Move On.

Madalas siyang marinig kapag hindi ka makaget over dun sa isang bagay. Yun yung mas lalong madalas marinig sa mga break ups ng mag boyfriend/girlfriend? Sabi nila.. Mahirap daw ang mag move on lalo na kapag minahal mo ng tunay at wagas ang isang tao. </3

Yung sa mga bagay na talagang gusto mong mawala na o kailangan makaget over na para matapos na, para magwakas na. Minsan ginagamit natin 'to sa larangan ng pag-ibig. Tama. Iisa lang din ang depinisyon nito kung kahit saan mang bagay. Tulad ng sinabi ko kanina, 'Yung mga bagay na talagang gusto mong mawala na'. Sa pag-ibig? Ito yung kailangan mong gawin pagkatapos ng break up niyo. Yung una mong maiisip pagkatapos lahat ng sakit na dinanas mo matapos niyang sabihin o kahit ikaw mismo ang nagsabing ayaw mo na o kaya naman tapos na ang relasyon niyo. Byebye relationship.

Sabi nga sa isang palabas ang 'One More Chance' may 3 month rule daw sa break up. Enough time to realize na wala na siya, na kailangan mo ng kalimutan siya na mag MOVE ON ka na. Sa 3 months na yun understandable pa na magmukmok ka sa isang tabi, makipaginuman, makipagsapakan,  tumulala hangga't may bukas pa o kaya naman umiyak hanggang matuyo ang tearducts mo. Pero yung 3 months na yun? Time rin yun para makagawa ka ng paraan kung pwede pang maayos ang lahat; magkabalikan to analyze what happened at what have lost o kaya naman tuluyan mo ng mapagtanto at malaman mo sa sarili mo na wala na, na hindi na pwede talaga, ang wag ng umasa pa or kung mas nabuo ka nung nawala siya sa buhay mo.

Dalawa lang naman yan eh. Kung nawala man ang isang parte ng buhay mo, pwede mong piliin na maging masaya pagkatapos mong maisip at mapagtanto mo na wala na talaga siya or maging miserable ang buhay mo habang buhay at magpakailanman.

Move on? Para ka lang ring naglalaro minsan pag gusto mong maranasang mag move on. Yun bang gagawa ka pa ng mga signos kung kayo pa ba o kung gagawa ka pa ng move para magkasama pa kayo o kaya naman ihihinto mo na talaga dahil alam mong ikaw rin ang nagkulang, pwede ring ayaw niya nalang talaga sa'yo dahil nga sa tingin niya hindi pa kayo pwede o kaya naman bitin at hindi sapat ang pag-ibig mo sakanya. WHAT?

Kailangan mong mag MOVE ON kung ayaw niya na talaga. Kung sa tingin mong hindi ka naman nagkulang? Tiyak na yun, kung nagsasawa na siya sa'yo eh sigurado may dahilan kung bakit siya nakipagbreak sayo. MOVE ON dude. Kaya payo ko sa inyo, there's a lot of fish in the sea. Kaya mo yan dre, kung ating iisipin mahirap mag move on, oo, pero mas mapapanatag ka kung kaya mong pangatawanan ang mga bagay na tulad nito. ;)

PAANO NGA BA MAG MOVE ON?

Mahirap talagang mag move on lalo na kapag mahal na mahal mo yung isang tao na yun, kapag siya mismo ang bumitaw sa'yo, lalo na kapag ginawa mo na nga ang lahat sakanya, pero para sakanya nagkulang ka pa rin.

Mahirap kasi pag nagkakasama kayo naaalala mo pa rin ang nakaraan at pinagsamahan  niyno at yung mga sandaling masaya pa kayo. Mahirap magmove on kasi nga minsan hindi natin matanggap na wala na, na wala na kayo, na hindi na talaga pwede. Mahirap kalimutan ang taong yun lalo na kapag ibinuhos mo ang lahat pero natapon lang, bakit? Kasi nga masakit.

Alak? Yosi? Dota? Sana ganun na nga lang kadali ang makalimutan ang nakaraan na mawala na sa isip mo na hindi na nga kayo, na wala na siyang nararamdaman para sa'yo, na pangkaibigan nalang ang turing niya sa'yo.

Pag alam mong hindi na worth it, let go mo na. Tama ka, mahirap gumawa ng desisyon lalo na kapag alam mong hindi mo kaya, kahit gusto mo ayaw naman ng damdamin mo pero alam nating mas mahirap ang masaktan. Siyempre, ikaw? Ayos lang ba sa'yo magpakatanga?

Pano nga ba makamove on? Simple lang..
  • Umiyak ka, sige lang iiyak mo yan hindi naman masamang umiyak, ganyan talaga. Yan lang naman kasi ang pinakamadaling gawin kapag nasaktan ka diba? Kahit lalaki ka, hindi signos ng pagiging bakla ang pag-iyak ng isang lalaki, sige ilabas mo. Kaya mo yan. Mapapagod ka rin.
  • Kalimutan mo ang taong sentro ng isipan mo. Sa halip igugol mo ang iyong sarili sa makabuluhang bagay, hindi yung magmumukmok ka sa isang tabi, as if naman na sa pag-iyak mo yan eh babalik siya diba?
  • Magdasal ka, magpasalamat ka kasi siya lang ang umiwan sa'yo hindi ka iniwan ni BOSS ^ pasalamatan mo siya, humingi ka ng kapatawaran at humiling ka na sana maging malakas ka pa, na kakayanin mo pa ang mga susunod na hakbang at challenge na ibibogay niya. Isipin mo na nagsilbing challenge yun para lakasan mo pa ang loob mo. Tignan mo pagkatapos mo magdasal gagaan ang loob mo. Pramis.
  • Siyempre, LUMAYO KA SAKNYA!, Sa una lang yan, layuan mo siya hangga't maaari, kung hindi naman pwede ikaw ang gumawa ng paraan para hindi mabaling ang atensyon mo sakanya, libangin mo ang sarili mo para yung bwisit na yan na nagpahirap sa'yo ng todo eh, makalimutan mo na.
  • Mahalin mo ang sarili mo, ikaw lang kasi ang kakaintindi sa mga nararamdaman mo, isipin mo na mas mahalaga ka kesa sa pag iisip sa kanya na wala namang mangyayari kapag ginawa mo yun, wag kang masyadong papaapekto sa mga nangyayari, hindi lang ikaw ang nasaktan, malamang siya rin.
Hindi ka makakamove on kung..

  • Kung lagi mong tintignan ang profile niya.
  • Kung lagi kang nagpapadaan ng GM sakanya.
  • Kung lagi kang nagpapatama sa mga status mo.
  • Kung hindi ka matigil sa pagview ng photos niya.
  • Kung lagi mong iniisip yung masasayang sandali niyo.
  • Kung nakasave pa rin ang number niya sa'yo.
  • Kung friend mo pa rin siya sa Facebook.
  • Kung nifafollow mo pa rin siya sa Twitter, sa Tumblr, o kahit ano pang social networking sites.
Kung gusto mo talagang makamove on putulin niyo ang connections niyo. TAPOS! XD

Break na tayo..


"Break na tayo..."
Maraming mabubuo sa isipan mo kapag narinig mo ang mga salitang 'to. Kung isa ka sa mga alagad ng pag-ibig malamang ito na ang susunod na mangyayari oh  </3 o kaya naman kung korni kang tao malamang ang maiisip mo dito eh 'Break na tayo, gutom na ko eh.' (Pramis, ang korny mo) Pero sabagay, pag sinabi bang Break na tayo, tapos na ang relasyon natin? Hindi ba pwedeng nagugutom lang ako? XD

Para sa mga alagad ng pag-ibig diyan, ito yung salitang pinakaayaw nilang marinig, pinakamasakit, pinakamasaklap na guguho hindi lang ng puso nila kundi ang mundo nila. Yun bang pag narinig nila, kung hindi sila magtatanong na 'BAKIT???? May nagawa ba kong mali?' malamang na yun mauunang tumulo ang sipon nila bago ang luha.

 Para naman sa taong alam na nila kung bakit at wala man lang pagmamahal na nananaig para dun sa taong nagsabi nito.. Malamang ito ang sasabihin nila 'Fine! Sige break na tayo' Yan, oo para dun sa mga walang kwentang tao. Charaught ;). Hindi, kung susuriin mong maigi sa paraan ng pagsabi niya parang sige let go of me, alam kong hindi naman tayo talaga para sa isa't isa eh. Syet ka naman men! Hindi mo ba iniisip na kahit na sinabi ng isang tao na break na kayo eh hindi siya masasaktan pag sinabi mo 'to? Mas matindi ka pa sa tinurukan ng anesthesia dre. Ang manhid mo. Kasi ganito yan, mas matindi ba ang pag sabi niyan kesa sa pag sabi ng 'BREAK NA TAYO'. Triple ang sakit na dulot niyan hindi mo ba alam? Ngayon alam mo na.

 Lalo na kapag ang babae ang nagsabi ng 'break na tayo' tapos sabay sumbat ka ng 'sige, ganyan ka naman eh, break na tayo, hindi naman ako nagkulang eh, ikaw' Wow, makasumbat ka naman KUYA wagas, hindi mo man lang inisip kung gano kasakit ang pagsabi ng ganyan lalo na sa babae. Hindi to discrimination, at porket babae ako eh nasasabi ko na yan. Madalas mong makita na ang babae ang nakikipagbreak sa lalaki, kasi kung titignan mong maigi.. Parang ang sagwa kapag lalaki ang nakipagbreak. Para kasing ang laki ng kakulangan na ibinigay mo sakanya. Yun bang parang ang dali lang para sabihin 'to? Kasi sa babae, isang makatotohanan lamang base sa aking karanasan.. Mahirap magreject kahit na sabihin mong hindi mo gusto o minahal ang isang tao. Ni hindi nga kaya ng babae na sabihin 'to ng deretsahan eh (Take note: sinasabi ko 'to para sa mga tunay lang na babae ah, I mean dun sa makatotohanang babae yun bang hindi madali sakanila pag ganito na ang sitwasyon) Meron kasing mga babae na ang dali lang para sakanila ang ganito, kasi alam nila na may kasunod pa, may reserba kumbaga. Para sa mga babaeng nagmamahal ng tunay diyan, wagas ang pagmamahal nila para sa mga lalaki. Kaya kapag ang lalaki ang nakipagbreak, ayus ayusin niyo, wag kayong padalos dalos kailangan talaga ng eksplanasyon. Kasi kung hindi, magugulat ka nalang makakakain ka ng tinapay at kape kahit gabi na at iimbitahan ka sa LIBING.


Siyempre, para sa lalaki naman. Masakit sa damdamin nila kapag nakipagbreak ang pinakamamahal at pinakamahalaga nilang babae para sa kanila (Exempted si MOTHER dito ah alam kong pinakamahalaga at importanteng babae sa balat ng saging si MAMA mo tama? ;), I'm referring to your GFs mga dre). Di rin kasi alam ng mga babae kung anong hirap ang dinadanas ng mga lalaki, tama? Kahit babae ako alam ko ang nararamdaman ng mga lalaki, kadamay niyo ko mga dre. Kasi sabi nga nila ang girls eh 'weaker sex' at ang lalaki malamang 'stonger sex' kaya sa tingin nila, kaya lahat ng lalaki. Pero hindi rin ibig sabihin dito na ang mga babae ay mahihina at ang mga lalaki ay ganung malalakas. Ops! Ayoko na, debate na 'to eh. Game balik na sa main topic. Kala nila halos lahat eh madali. Kasi nga stronger sex, pero mali.. Meron kasing mga lalaki na kahit LALAKING TUNAY sila eh, meron talagang nadudurog ang puso lalo na kapag nakipag break ang isang babae sakanila. Pero ilan lamang sa mga TUNAY na lalake ang ganito, ibig kong sabihin yung nasasaktan talaga kapag nakipagbreak ang lalaki. Kasi ganito yan eh, kung iyong susuriin ng maigi mas madaling makahanap ng bago ang mga lalaki kesa sa mga babae. Hindi naman kasi ang babae ang nanliligaw eh ang mga lalaki. Pero ewan ko nalang sa panahon NGAYON.


Payo ko lang ulit..
Para sa babae: Kung makikipagbreak ka po sa lalaki, tignan mo po ng maigi kung dapat ba talaga o naiisip mo lang yan kasi nga may nagawa silang mali. O sa tingin mong hindi na talaga pwede o kailangan mo na talaga bang bumitaw, o meron lang lalaki na nakikiapid na mas okay kesa sa boyfriend mo ngayon? Awts.
Para sa lalaki: Kung makikipagbreak ka po sa babae, wag pong padalos dalos, tulad rin ng sinabi ko sa mga babae, kailangan po na tignan mo muna kung tama ba na kumalas ka na o naiisip mo lang yan kasi nga may nakita ka lang na mas OKAY? o may pagkukulang ba siya talaga? O nagsasawa ka lang yatang talaga? Yun.

Monday, November 21, 2011

Ako na talaga 'to pramis ;)

Ang pangit. Ang pangit talaga ng kauna unahang blog na pinost ko dito. Yung tungkol sakin? Ang pangit ang sagwa. Hindi talaga maganda. Ngayon ko lang napagtanto. Masyadong seryoso ako dun. Hindi ba pwedeng kung ano ako yun dapat? O sige eto na. Papakita ko na sa'yo..

O? Ako si ---- mas kilala sa katawagang Aki o kaya Lai, kahit anu pang itawag mu sakin pag lumingon ako, ako na yun malamang. Anung masasabi mo sa tulad ko? Kasi ako base sa opinyon ng iba.. masyado raw akong makulit, Sabi nga ni ___ sige itago nalang natin sa pangalang 'Kokak!' Sabi ni Kokak sakin "Nakakainis ka, alam mo yun? Masyado kang makulit. Ang isip bata mo, magbago ka nga!" Tawa lang ako, pero di niya alam nasaktan na ko nun. Ayoko kasi sa lahat yung ganun. Wala sino bang gusto na sinasabihan ng ganun? Anyway, at eto pa sabi naman ni Totang "Grabe ka Aki, Ang SELAN mo. Maselan ka!" Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ibig sabihin nung maselan. HAHA. Para kasing ang daming depinisyon nun. Base sa pagkakasabi sakin ni Totang, parang maarte na mapili na ewan. Basta. Yun na yun.

Wala akong pakealam dre sa mga sinasabi nila. Basta ako, kung ano ako. Ako yun, di ikaw. ;) Hindi, sige po sabihin mo na kung anung gusto mong sabihin pero para sakin wala lang. Para sakin wala lang talaga. Haha. Sige game na to na papakilala ko na talaga sarili ko bilang ako.

Ako? Simpleng tao lang ako, ako yung tipo ng tao na padala lang sa agos ng buhay. Ayoko ng nahuhuli ako, gusto ko sabay tayo ;) Kaya pag nahulog ka sakin, tara sabay na tayong mahulog sa isa't isa. Tae, daming alam. Di eto na talaga. Ayun, isip bata nga raw ako sabi ng nakararami. Majority wins sige panalo na kayo ako na talo x3 Isip bata na ba agad kapag ganito kakulit? Hindi ba pwedeng makulit lang talaga? HAHA. Hindi ako mahirap pakisamahan, kung ano ka sige tatanggapin kita, basta tanggapin mo rin ako kung ano ako. Tapos ang paghihirap niyo. PALAKAibigan ako, hindi ako namimili ng friends as long as mabait kayo sakin at pareho tayo ng agos ng utak. Masayahin akong pusa este bata ay tao pala, ayoko kasi sa lahat yung sisimangot ako eh. Parang pati ang puso ko ay sumisimangot na rin ayt? Drama, haha. Hindi kasi gusto ko laging masaya, kaya pansinin mo halos lahat ng kaibigan ko ngayon laging ganito oh XDDDD kung di ganyan ganito t(--,t) aha jk. Basta, ayoko kasi yung pangit ka na nga nakasimangot ka pa. Eh di lalo kang pumangit niyan diba? Kaya lagi akong naka XD haha. Teka muna wait, mahilig ako sa pets, sa animals. Kaya nga hilig kita eh. Haha, biro lungs. Di ang cute cute kasi eh sarap alagaan, pero ayaw kasi samin ng mga pets eh, lalo na pag pusa kasi maraming may hika samin. Kaya inis lang talaga ko. Kasi diba? Alam mo yung feeling na gustong gusto mo nito tapos ayaw nila? Eh mas mataas ang tungkulin nila sakin. Reyna sila Prinsesa lang ako. So talo, dehado. HAHA.

Hi. Pangalan mo? Pwede makipagfriends? Yan? Hindi ako yung tipo ng taong ganyan. Gusto ko kasi ako una inaapproach. Hindi, oo friendly ako pero in a way na ikaw nag approach sasabayan ko lang ang pagiging friendly mo. Hindi yung pagpapakilanlan pa lang. Ewan parang ganun. Kaya kung gusto mo kong friend ikaw magapprach sakin. Kasi sa totoo lang, kahit sa taong iniirog ko (Takte, irog daw oh) hindi ako makaganun eh. Kahit sa FB lang >_< Sagwa ng ugali na 'to. Nasasagwaan ako. Ang WAGSA! Syete. Bastaaaa. Bwisit. Change topic.

Ayoko pala sa lahat yung nakakatanggap ng flowers. Masyado kasing girlie ang dating eh. Naalala ko tuloy nung Elementary ako, may nagbigay sakin SAMPAGUITA. wahahhaa. Ano ko santo? May toyo amf. ;) Kung magbibigay ka gawin mo nalang na chocolate o kaya ice cream matutuwa pa ko sa'yo. HAHA. Hindi ko sinasabing ang ganda ko ah para bigyan ng flowers, kasi kahit ganito pagmumukha ko nakakatanggap naman ako sa mga taong nagpapahalaga at pinahahalagahan ko. Ayeeee. Baliw! HAHA.

Ano pa ba? Magbasa ka na lang ng ibang blogs kow ;)

Sunday, October 16, 2011

CRUSH? Nagkacrush ka na ba?



CRUSH.
Ano nga ba ang crush? Sabi ng iba "Crush is paghanga", sabi naman ng ilan "Ito yung madaling titigan, mahirap lapitan." Ano nga ba ang totoo? Ikaw lang ang makapagsasabi ng sarili mong depinisyon kung ano nga ba ang crush para sayo. Nagkaroon ka na ba ng crush? Uso pa ba yun ngayon? Ano ba ang pinagkaiba nun sa LOVE? Diba pareho lang yun? Pareho lang kasing tumitibok ang puso mo sa isang tao eh? O depende marami kasing tao na maraming crush, kase pag di na nila nakikita yung crush nila nagsasawa sila kaya naghahanap sila ng bago...

Sabi nila sakin ang CRUSH daw eh pambata lang? Natawa lang ako sabi ko "Bakit ako tanda ko na nagkakacrush pa ko?"
Pag crush mo ang isang tao gagawin mo ang lahat makita, mapansin at makilala ka lang niya. Yun yung tipo na pag nakita mo siya aprang tumitigil ang mundo mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Gusto mong magpapansin pero nahihiya ka, nagtatago ka pa nga sa mga friends mo eh. Pero pag iniisip mo siya parang gusto mo talagang gawin lahat mapansin ka lang niya. Kahit magtumbling at tumawid ka pa sa alambre gagawin mo kahit nga magpakain sa Leon susubukan mo mapansin ka lang niya.

Pero kahit anung gawin mo, napapansin ka nga niya pero bakit ganun? Parang balewala ka pa rin sakanya. Titignan ka lang niya tapos wala na. Makausap mo nga  lang siya buo na araw mo. Ngitian ka lang niya lahat ng problema mo nabubura nalang ng kusa sa isipan mo. Ako nga eh, hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Ang masakit lang eh halos magkasalungat ang schedule namin ng pasok sa school. Ang sakit noh? Ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana..
Pero paanp nga ba nagsisimula ang crush?

STAGE 1: "Nakakaaliw siya"
Parang ganito yun, lalapit ka sa kahit na kaninong makita mo o kaibigan mo tapos itatanong mo "Uy, kilala mo ba si (Jr, Zedrik, Boy Pick Up, o kahit na sino pang lalaki yan kahit na si Elmer pa?) Siyempre itatanong ng pinagtanungan mo "Bakit?" sagot mo naman "Wala lang, nakakaliw siya, grabe lungs di ko siya crush ah? Nakakatuwa lang talaga siya, ang kulit kasi eh" Tse! Diyan na maguumpisa yan! Natuwa ka na eh, wag mu na ideny xD

STAGE 2: "Nakakamiss din pala siya"
Ayan, matik na hinahanap hanap mo na siya udut. Ganito yung sasabihin mo diyan eh "Uy, nasan si ______ ang tagal ko ng di nakikita, wala lang parang naninibago lang ako, parang dati lang kasi dito sila tumatambay ngayon wala na." Weh? Parang sa mga ganyan mong salita eh, parang hindi ka na mabubuhay ng hindi siya nakikita? Eh dati naman nabubuhay ka na hindi siya nag eexist? Tapos ngayon hahanap-hanapin mo? ABA! Sigurado ka ba talagang naninibago ka lang o ano?

STAGE 3: "Cute pala siya noh?"
Naku, konti nalang masasapak na kita. Parang ganun na rin yung gusto mong sabihin noon pa. It goes like this.. "Hoooooy! Ang cute pala ni _______ noh? Ngayon ko lang napansin, dati kas parang wala lang eh, ngayon parang.." O sige ituloy mo pa. Masyado kang denial aminin mo na kasi na crush mo. O kaya ganito "Uy ang cute niya magsmile noh? Kumikislap yung mata niya" Ano 'te? Paputok? HAHA. Yung mga bagay tulad ng (eyes, smile, nose, yung hair niya) o kahit anu pang bagay na related sakanya masabi mo lang na hindi mo talaga siya crush. Sus! Tagal mo na siyang nakikita ngayon mo lang napansin ano ka bulag? BLOG! XD

STAGE 4: "Parang crush ko na yata siya."
Tse. Isa pa, may "yata" ka pa? Ituloy mo na nahihiya ka pa eh. Tagal mong nagipon ng courage para lang maamin yan? Well, infact matagal na namang halat ayaw mo lang umamin talaga. Alam na ng buong barkada bago mo pa sabihin. At least honest ka rin sa sarili mo. ;)

STAGE 5: "Shit, todo na 'to!"
Eto na yung pinaka severe sa lahat. Kasi alam na ng barkada mo pati ikaw halos manapak ka na ng katabi sa sobrang kilig dahil nga YOU'RE FREE, FREE ka ng gawin ang lahat! Ito yung may sub levels na eh. Yun yung mga kabaliwan na gagawin mo for the sake of your-so-called love life. Ehem:
1. HIYA EPEK!
Yan yung nagmumuni muni ka lang sa isang tabi kasi nga MAHIYAIN KA. PEKENG SHET! Halos 1 inch na nga lang ang layo niyong dalawa sa isa't-isa tapos nahihiya ka pa? Kapal naman ng mukha mong mahiya pa. Okay sige, kunwari wala lang sayo. Wala ka lang reaction. POKERFACE. O kahit anu pa. Pero wait there's more.. LOL Hanggang kelan naman yan? Tatagal ka pa ba? Baka pumutok na lahat ng puputok sayo wala pa rin?
2. MABABAW.
Ah, eto naman yung madikitan o mahawakan mo lang yung split ends niya halos maglupasay ka na sa tuwa? Ibblog mo pa yun tapos ikukwento mo kay Mr. Diary mo? Ang babaw mo naman men. Kulang nalang gupitin mo yun tapos idikit mo sa scrapbook mo o kaya hindi mo na huhugasan yung kamay mo. Eh wag ka nalang maligo para smooth.
3. WALANG KATAPUSANG PAGKUKWENTO.
Uh? Eto yung wala ka na talagang makwento kundi siya, kesyo si ganun ganyan. It's all about him him him him him and it's all about you you you you. Konti nalang baka maisagot mo pa sa test paper yung pangalan niya. Duh oh? Iba na yun dre!
4. "STALKER o ADMIRER"
Ito yung siyempre pag pangit ka daw stalker ka pag may mukha ka namang ihaharap eh admirer daw yun. Tse. Dami nyung alam eh iisa lang din naman ang ginagawa niyo. Pero in short isa ka ng walking encyclopedia tungkol sa kanya, dahil lahat nalang ng ginawa o gagawin niya alam mo tulad ng address, pangalan ng buong angkan nila, birthday, biography niya o kahit na death certificate pa niya xD kulang na nga lang eh sundan mo pati sa CR at iblog mo kung ano yung ginagawa niya dun.
5. "OBSESS KA NA"
Wait, kailangan pa bang ipaliwanag ko to sa inyo? Pero... sige na nga. Yan yung halos magwala ka na pag nakikita mo siya, piniprint mo na yung picture niya na makukuha mo sa Facebook niya kahit na buhok niya lang yung kita dito o nasagi lang ng camera ang matindi pa ididikit mo pa sa kwarto mo mga picture niya tapos gagawa ka pa ng fan page niya di ka pa kuntento pati bahay nila ipiprint mo na. Yan ang obsess.

STAGE 6: GETTING TO KNOW EACH OTHER (YOUR FACE!?)
Yes. Nakanaks, kilala ka na ni CRUSH! Tuwa ka na nun syempre palakpak tenga ka na nun. Yun yung magkakakilanlan na talaga kayo? Pero ito yung pinaka dangerous sa lahat ng stage kasi may posibilidad na mainlove ka sa kanya, naku pero meron din naman na nagiging friends nalang FRIENDS ah as is! maraming posibilidad pero it's up to you kung anung nararamdaman mo wala na kong pakealam dun xD basta it's the beat for both of you.
Ohaa. yan ang crush now you know ;)

Mga kasama ko sa kalokohan.


     Aki. Ako yung tipo ng estudyante na hindi muna uuwi hangga't hindi nasusulit ang baon. Yung tipong sabay sa agos ng buhay. Madalas mantrip, at mambadtrip sabi pa nga ng iba sobrang kulit ko daw marami palang naiinis sakin kasi lakas kong mambadtrip pero marami rin namang natutuwa kahit papano. Immature kasi ako. Ako rin yung tipong MAJORITY WINS ayoko kasi maging BIAS kaya pag nagtatanung sila kung saan kakain at kung bibili ng ganito dumedepende ako sakanila. Wala. Bata. Sa school sakin umuso ang salitang Udut(All around kahit kanino,kelan at saan mo sabihin applicable/reliable) Nagmamaktol(Itsura ng mukha especially pag Waley) at Dude(katawagan sa babae na dapat sa lalake) ;D


    Krisna Regis Guasch - Totang at Maneki Neko. Pinaka KJ samin. Siya yung tipo ng estudyante na pagkatapos ng klase uuwi agad. Kung hindi man, bibili lang saglit sa SM o kakain lang saglit tapos uuwi na. Uunahin niya agad yung mga gawain sa bahay at mga gawaing bahay. Competitive pa. Siya rin pala yung tipo ng estudyante na kapagnakasakit siya iiyak din siya apra hindi magmukhang masama. WAHA. Nantitrip din to madalas niyang pagtripan si Gureys, natutuwa kasi mabilis mabadtrip. Vice President ng mga chismosa, kasi kahit anong itanong mo alam niya hindi pahuhuli yan. Wag kang tatabi sakanya kapag may masayang pangyayari, bakit? Uuwi ka ng duguan. ;DDD

    Sharmaine Bercenio - Sarmeyn at Maine. Isa pa tong KJ dahil papagalitan daw ni Mama at Papa. Yung tipo ng estudyanteng bawal magpagabi kasi "BENGGA" na daw siya. Madalas Late, sshh. (Sasabihin niyan nagbago na siya ;3) Siya yung pinaka Pilipino samin bakit? Kasi laging late nga, Filipino Time. Pikon din pala 'to, laging asar sakin to eh, sasabihin niya lahat ng sinasabi ko against sakanya. (Pero marami naman akong inaasar eh, siya lang yung pinaka asar-talo :P) Siya pala ang Presidente ng mga chismosa, bakit? Kasi siya ang unang nakakaalam ng lahat maraming sineshare at iba pa. Siya rin yung pag nakita yung crush mo mas kikiligin pa siya kesa sayo. HAHA. Wag ka palang sasama sa kanya kapag wala kang pera. Si Aling BILI to bili dito bili dun. Pero wag ka, sumasabay din sa trip minsan yan. Minsan lang naman haha.

    Mary Grace Aquino - Gureys. Isa sa mga karamay ko sa panttrip. Pero madalas din pagtripan. Malalaman mo agad sakanya kung badtrip na siya kasi tatahimik yan tapos yung mukha nagmamaktol na. Nakakatuwa ring kasama kasi hindi siya uuwi agad, pwera nalang pag susunduin na siya ni Gulenn. Madalas magmaktol pinaglihi yata sa sama ng loob. Jk. Madalas kaming mag-agawan sa crush pano kasi medyo magkalapit ang tipo namin sa lalake. Weh? Parang hindi naman. Nagkataon lang. HAHA. Isa pa tong si Ms. Gala, gusto laging gumala tapos maghahanap ng dahilan para lang payagan ni INA. At least, pag gusto maraming paraan. DIBA? ;D
  




  Jingjing Huarde - Jing at Jinseng. Siya yung unang nakilala ko sa klase kasi nakilala ko sa enrollment. (Ay! Si Totang pala kasi schoolmate ko) Madalas din mantrip to, hindi madaling maasar kasi malakas rin mang-asar. Tipo ng estudyangteng madalas di gumagawa ng assignment pero pumapasa. Isang bagay ang maganda sakanya.. Kung ayaw niya ayaw niya talaga, mahirap baguhin ang desisyon nito. Dati laging sumasama to sa galaan ngayon lagi niya ng gustong umuwi. Ewan ko ba dito. HEHE. Tulad ni Gureys makikita mo sa mukha niya kung badtrip na siya o ayaw niyang sumakay sa trip mo kasi nga nagmamaktol. ;D

      Jerazel S. Gomez- Tipo ng estudyante na adik sa internet pero pag aral aral napipigilan ang sarili. Matalinong bata to isang magandang modelo para sa mga kabataan. Weh? Parang di naman haha.  Masasabi mong nag-aaral kasi madalasng sa grades niya ang bagsak. HAHA. Madalas din mang asar to sanib pwersa sila ni Totang kaya pareho silang may sanib eh. XD Marami rin palang sikreto sa buhay to lalo na sa Love life niya, ewan ko na lang. Basta pag kasama mo tawa tawa ka nalang para masaya. HAHA. Isa pa to pag wala ka talagang pera wag kang sumama kain kain din ;D


    Lyan Paguirigan - Lai at Lyandie. Tipo ng estudyanteng
pagkasama mo hindi mauubusan ng kwentong nakakatawa. Madalas makaimbento ng mga jokes. Pinaglihi kasi sa bigote kaya ganun. HAHA. Habulin ng boys 'to kaso kapag ayaw niya sayo ayaw niya wag mu na pilitin baka pumayag. Maraming kaibigan 'to friendly kasi. Kahit madalas manlait pero yung lait niya nakakatawa parang hindi nakakasakit kasi di mo masasabi kung totoo o joke lang. Adik to eh. Masayahing tao walang araw na makikita mong malungkot. Kaya kahit seryoso yung mukha nakakatawa pa rin. HAHA. Subukan mung tumabi sakanya durog ka. ;D


Riolyn Ligo- Rio at Yo- Yoyo ng bayan, walking dictionary to, siya yung tipo ng estudyante na pag dumaan kayo sa bookstore hindi pwedeng hindi papasok? Bookworm kumbaga tignan mo mukha nyan mukha na ring worm. xD Isa pa rin tong masarap asarin madalas rin kasing maasar pero hindi nagagalit. Matalino? Sige na nga matalino na nga sabi niyo eh. Siya rin pala yung tipo ng babae na naghahanap ng true love niya. Ewan ko ba, everytime nalang. Wala pansin ko lang ;)Makikita mo rin pala sakanya kung badtrip na siya tulad ng ibang tao na kilala ko NAGMAMAKTOL ;D

    Queriann Ilagan- Queann. Siya yung tipo ng estudyante pag nakita mo tago tago din? HAHA, Kasi siya si treasurer walang araw na hindi ka magbabayad sakanya. Iba kung maningil mapipilitan kang magbayad. HAHA. Malakas din tong mang-asar lagi pang tumatawa kaya maaasar ka talaga lalo na sa tawa niya. XD Masayahing estudyante madalas din siyang leader kasi kaya nyang panghawakan ang makukulit niyang classamtes despite of her height. HAHA Jk ;)

Grupong wapak to pero ilan lang sila sa mga kaibigan ko. ^_^

Wednesday, October 12, 2011

Sino nga ba ako?


Sino nga ba ako? Ang tanong ng nakararami. Ako? Sige na nga! Sasabihin ko na sa'yo. Ako lang naman ay simpleng tao rin na nabubuhay sa mundong ito katulad mo. Wala tayong pinagkaiba. Pareho tayo. Hindi ka nag-iisa. Wala ka dapat ipangamba dahil ikaw ay ako rin. Bakit? Itanong mo kay Elmer.

(deleted) ang tunay na pangalan ko. Ang panget noh? Pero sabi nila "Maganda naman ah?" Pampalibag loob ba? Pero hindi ko ito gugustuhing palitan. Bakit? Mahalagang mga tao lang naman kasi ang nagbansag sa akin nito. Kaya kayo.. Matuto kayong makuntento sa kung anong meron kayo, minsan lang sa buhay niyo ang bigyan ng ganyang regalo galing pa sa importanteng tao sa buhay mo. At isa pa, ito lang ang natatanging regalo na matatanggap mo na hindi mo naman ginusto pero tinanggap mo at hanggang sa kamatayan dadalhin mo. Tama ba ako? Kahit mali. BWAHA.

Okay. Balik tayo sa usapan. Simple lang ako, maraming pangarap sa buhay tulad rin ng isang tipikal na tao. Pero masasabi kong kakaiba ako sa iba. Bakit? Mayroon akong karanasan na hinding hindi niyo nasubukan at masusubuksan, siyempre itatago ko muna itong isang lihim. Mahirap ibunyag, kakaiba, masakit at masaklap. BOOM~


  • Si Aki bilang anak: Opo, may magulang din ako katulad niyo. Suwail akong anak, hindi sumusunod sa utos at higit sa lahat sumasagot ako. Pero nakikibagay din ako, pag alam kong kailangan ko ng gumalaw, gagalaw ako. Sadyang naabutan lang nila na hindi ako nakagalaw pero plano ko na talagang gumalaw. Naunahan lang ako! :P Pero kahit na ganoon ako, mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Hindi ko man nasasabi sa kanila yun ng harapan. Hindi lang nila alam at nararamdaman. Pero totoo at hindi ito magbabago. Makataness.
  • Si Aki bilang kapatid: Hindi ako perpektong kapatid. Madalas akong nakakaaway at nakagagalitan. Subalit, isa naman akong kapatid na marunong makinig at makiramdam. Kapag alam kong galit na sila tumatahimik na lamang ako. Ayoko kasi ng may kaaway o nagagalit sa akin lalo na sa bahay na tinitirhan ko at mga importanteng tao pa sa buhay ko. (Ang maganda lang samin magagalit lang sila panandalian pagkatapos ayos na. Balik sa dati.) Kahit hindi ule :D
  • Si Aki bilang kaibigan:  Mas hindi ako perpektong kaibigan. Hindi ako sweet na pasasalubungan pa ang iba everytime na ako ay maga-out of town. Hindi rin ako pa-cute na siyang mangunguna sa pagsesend ng sweet SMS, email, at iba pa. Ako yung tipo ng kaibigan mamarunong makinig. Kahit na korni pa ang jokes mo, boring ang kwento ng buhay mo pakikinggan kita, ayoko kasing iparamdam sa inyo na hindi kayo mahalaga. At tandaan niyo hindi ako naging masama at MAGIGIGNG MASAMA sa harap ng mga kaibigan ko. Ayoko kasi ng may nasasaktan ako lalo na yung mga kaibigan kong kapatid na rin ang turing ko. Mahal ko mga kaibigan ko ngayon, naramdaman ko na kasi na iwanan ng mga dati kong kaibigan. :'(
  • Si Aki bilang kakilala: Yep, kilala mo ang pangalan ko pero hindi mo alam ang istorya ng buhay ko. Ayoko kasi sa lahat yung hinuhusgahan ako. Pero sa mga kilala ko, hindi ako plastik. Kung ano ang nakikita mo sa akin kapag kaharap kita, ganun ang tunay na ako. Tama ka, walang perpekto pero hindi mo mararamdaman sa akin na niloloko kita. Ayun lang.
  • Si Aki bilang umiibig na bata: Ah yun ba? Wag na nating pag-usapan. Masasabi ko lang na malalaman mo agad sakin pag in-love ako. Itanong mo nalang sa mga kaibigan ko. Pass ako diyan! :)
  • Si Aki bilang friend sa internet: HAHA. Ako? Masayahin akong kaibigan sa net, wala rin kasi akong kaibigan sa bahay eh, naligaw na ng landas at binata't dalaga na ang iba. Kaya sa internet ako kumukuha ng friends. Maaasahan mo ko sa lahat ng oras wag lang sa paglike ng photos at fan pages mo. Nakakatamad yun. Pero kung gusto mo lang ng kausap OL ako lagi chat mo lang ako. Wag mo lang akong ligawan (Hindi ako maganda, pero opo meron! Sorry ah!) Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Wait.. Hintayin niyo ang blog kong ONLINE LOVE. 

At yan ako kilala mo na ba ko? Kulang pa, hintayin mo nalang mga blogs ko. ;D Ayos ba?