Monday, November 21, 2011

Ako na talaga 'to pramis ;)

Ang pangit. Ang pangit talaga ng kauna unahang blog na pinost ko dito. Yung tungkol sakin? Ang pangit ang sagwa. Hindi talaga maganda. Ngayon ko lang napagtanto. Masyadong seryoso ako dun. Hindi ba pwedeng kung ano ako yun dapat? O sige eto na. Papakita ko na sa'yo..

O? Ako si ---- mas kilala sa katawagang Aki o kaya Lai, kahit anu pang itawag mu sakin pag lumingon ako, ako na yun malamang. Anung masasabi mo sa tulad ko? Kasi ako base sa opinyon ng iba.. masyado raw akong makulit, Sabi nga ni ___ sige itago nalang natin sa pangalang 'Kokak!' Sabi ni Kokak sakin "Nakakainis ka, alam mo yun? Masyado kang makulit. Ang isip bata mo, magbago ka nga!" Tawa lang ako, pero di niya alam nasaktan na ko nun. Ayoko kasi sa lahat yung ganun. Wala sino bang gusto na sinasabihan ng ganun? Anyway, at eto pa sabi naman ni Totang "Grabe ka Aki, Ang SELAN mo. Maselan ka!" Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ibig sabihin nung maselan. HAHA. Para kasing ang daming depinisyon nun. Base sa pagkakasabi sakin ni Totang, parang maarte na mapili na ewan. Basta. Yun na yun.

Wala akong pakealam dre sa mga sinasabi nila. Basta ako, kung ano ako. Ako yun, di ikaw. ;) Hindi, sige po sabihin mo na kung anung gusto mong sabihin pero para sakin wala lang. Para sakin wala lang talaga. Haha. Sige game na to na papakilala ko na talaga sarili ko bilang ako.

Ako? Simpleng tao lang ako, ako yung tipo ng tao na padala lang sa agos ng buhay. Ayoko ng nahuhuli ako, gusto ko sabay tayo ;) Kaya pag nahulog ka sakin, tara sabay na tayong mahulog sa isa't isa. Tae, daming alam. Di eto na talaga. Ayun, isip bata nga raw ako sabi ng nakararami. Majority wins sige panalo na kayo ako na talo x3 Isip bata na ba agad kapag ganito kakulit? Hindi ba pwedeng makulit lang talaga? HAHA. Hindi ako mahirap pakisamahan, kung ano ka sige tatanggapin kita, basta tanggapin mo rin ako kung ano ako. Tapos ang paghihirap niyo. PALAKAibigan ako, hindi ako namimili ng friends as long as mabait kayo sakin at pareho tayo ng agos ng utak. Masayahin akong pusa este bata ay tao pala, ayoko kasi sa lahat yung sisimangot ako eh. Parang pati ang puso ko ay sumisimangot na rin ayt? Drama, haha. Hindi kasi gusto ko laging masaya, kaya pansinin mo halos lahat ng kaibigan ko ngayon laging ganito oh XDDDD kung di ganyan ganito t(--,t) aha jk. Basta, ayoko kasi yung pangit ka na nga nakasimangot ka pa. Eh di lalo kang pumangit niyan diba? Kaya lagi akong naka XD haha. Teka muna wait, mahilig ako sa pets, sa animals. Kaya nga hilig kita eh. Haha, biro lungs. Di ang cute cute kasi eh sarap alagaan, pero ayaw kasi samin ng mga pets eh, lalo na pag pusa kasi maraming may hika samin. Kaya inis lang talaga ko. Kasi diba? Alam mo yung feeling na gustong gusto mo nito tapos ayaw nila? Eh mas mataas ang tungkulin nila sakin. Reyna sila Prinsesa lang ako. So talo, dehado. HAHA.

Hi. Pangalan mo? Pwede makipagfriends? Yan? Hindi ako yung tipo ng taong ganyan. Gusto ko kasi ako una inaapproach. Hindi, oo friendly ako pero in a way na ikaw nag approach sasabayan ko lang ang pagiging friendly mo. Hindi yung pagpapakilanlan pa lang. Ewan parang ganun. Kaya kung gusto mo kong friend ikaw magapprach sakin. Kasi sa totoo lang, kahit sa taong iniirog ko (Takte, irog daw oh) hindi ako makaganun eh. Kahit sa FB lang >_< Sagwa ng ugali na 'to. Nasasagwaan ako. Ang WAGSA! Syete. Bastaaaa. Bwisit. Change topic.

Ayoko pala sa lahat yung nakakatanggap ng flowers. Masyado kasing girlie ang dating eh. Naalala ko tuloy nung Elementary ako, may nagbigay sakin SAMPAGUITA. wahahhaa. Ano ko santo? May toyo amf. ;) Kung magbibigay ka gawin mo nalang na chocolate o kaya ice cream matutuwa pa ko sa'yo. HAHA. Hindi ko sinasabing ang ganda ko ah para bigyan ng flowers, kasi kahit ganito pagmumukha ko nakakatanggap naman ako sa mga taong nagpapahalaga at pinahahalagahan ko. Ayeeee. Baliw! HAHA.

Ano pa ba? Magbasa ka na lang ng ibang blogs kow ;)

No comments:

Post a Comment