Sunday, November 27, 2011

Break na tayo..


"Break na tayo..."
Maraming mabubuo sa isipan mo kapag narinig mo ang mga salitang 'to. Kung isa ka sa mga alagad ng pag-ibig malamang ito na ang susunod na mangyayari oh  </3 o kaya naman kung korni kang tao malamang ang maiisip mo dito eh 'Break na tayo, gutom na ko eh.' (Pramis, ang korny mo) Pero sabagay, pag sinabi bang Break na tayo, tapos na ang relasyon natin? Hindi ba pwedeng nagugutom lang ako? XD

Para sa mga alagad ng pag-ibig diyan, ito yung salitang pinakaayaw nilang marinig, pinakamasakit, pinakamasaklap na guguho hindi lang ng puso nila kundi ang mundo nila. Yun bang pag narinig nila, kung hindi sila magtatanong na 'BAKIT???? May nagawa ba kong mali?' malamang na yun mauunang tumulo ang sipon nila bago ang luha.

 Para naman sa taong alam na nila kung bakit at wala man lang pagmamahal na nananaig para dun sa taong nagsabi nito.. Malamang ito ang sasabihin nila 'Fine! Sige break na tayo' Yan, oo para dun sa mga walang kwentang tao. Charaught ;). Hindi, kung susuriin mong maigi sa paraan ng pagsabi niya parang sige let go of me, alam kong hindi naman tayo talaga para sa isa't isa eh. Syet ka naman men! Hindi mo ba iniisip na kahit na sinabi ng isang tao na break na kayo eh hindi siya masasaktan pag sinabi mo 'to? Mas matindi ka pa sa tinurukan ng anesthesia dre. Ang manhid mo. Kasi ganito yan, mas matindi ba ang pag sabi niyan kesa sa pag sabi ng 'BREAK NA TAYO'. Triple ang sakit na dulot niyan hindi mo ba alam? Ngayon alam mo na.

 Lalo na kapag ang babae ang nagsabi ng 'break na tayo' tapos sabay sumbat ka ng 'sige, ganyan ka naman eh, break na tayo, hindi naman ako nagkulang eh, ikaw' Wow, makasumbat ka naman KUYA wagas, hindi mo man lang inisip kung gano kasakit ang pagsabi ng ganyan lalo na sa babae. Hindi to discrimination, at porket babae ako eh nasasabi ko na yan. Madalas mong makita na ang babae ang nakikipagbreak sa lalaki, kasi kung titignan mong maigi.. Parang ang sagwa kapag lalaki ang nakipagbreak. Para kasing ang laki ng kakulangan na ibinigay mo sakanya. Yun bang parang ang dali lang para sabihin 'to? Kasi sa babae, isang makatotohanan lamang base sa aking karanasan.. Mahirap magreject kahit na sabihin mong hindi mo gusto o minahal ang isang tao. Ni hindi nga kaya ng babae na sabihin 'to ng deretsahan eh (Take note: sinasabi ko 'to para sa mga tunay lang na babae ah, I mean dun sa makatotohanang babae yun bang hindi madali sakanila pag ganito na ang sitwasyon) Meron kasing mga babae na ang dali lang para sakanila ang ganito, kasi alam nila na may kasunod pa, may reserba kumbaga. Para sa mga babaeng nagmamahal ng tunay diyan, wagas ang pagmamahal nila para sa mga lalaki. Kaya kapag ang lalaki ang nakipagbreak, ayus ayusin niyo, wag kayong padalos dalos kailangan talaga ng eksplanasyon. Kasi kung hindi, magugulat ka nalang makakakain ka ng tinapay at kape kahit gabi na at iimbitahan ka sa LIBING.


Siyempre, para sa lalaki naman. Masakit sa damdamin nila kapag nakipagbreak ang pinakamamahal at pinakamahalaga nilang babae para sa kanila (Exempted si MOTHER dito ah alam kong pinakamahalaga at importanteng babae sa balat ng saging si MAMA mo tama? ;), I'm referring to your GFs mga dre). Di rin kasi alam ng mga babae kung anong hirap ang dinadanas ng mga lalaki, tama? Kahit babae ako alam ko ang nararamdaman ng mga lalaki, kadamay niyo ko mga dre. Kasi sabi nga nila ang girls eh 'weaker sex' at ang lalaki malamang 'stonger sex' kaya sa tingin nila, kaya lahat ng lalaki. Pero hindi rin ibig sabihin dito na ang mga babae ay mahihina at ang mga lalaki ay ganung malalakas. Ops! Ayoko na, debate na 'to eh. Game balik na sa main topic. Kala nila halos lahat eh madali. Kasi nga stronger sex, pero mali.. Meron kasing mga lalaki na kahit LALAKING TUNAY sila eh, meron talagang nadudurog ang puso lalo na kapag nakipag break ang isang babae sakanila. Pero ilan lamang sa mga TUNAY na lalake ang ganito, ibig kong sabihin yung nasasaktan talaga kapag nakipagbreak ang lalaki. Kasi ganito yan eh, kung iyong susuriin ng maigi mas madaling makahanap ng bago ang mga lalaki kesa sa mga babae. Hindi naman kasi ang babae ang nanliligaw eh ang mga lalaki. Pero ewan ko nalang sa panahon NGAYON.


Payo ko lang ulit..
Para sa babae: Kung makikipagbreak ka po sa lalaki, tignan mo po ng maigi kung dapat ba talaga o naiisip mo lang yan kasi nga may nagawa silang mali. O sa tingin mong hindi na talaga pwede o kailangan mo na talaga bang bumitaw, o meron lang lalaki na nakikiapid na mas okay kesa sa boyfriend mo ngayon? Awts.
Para sa lalaki: Kung makikipagbreak ka po sa babae, wag pong padalos dalos, tulad rin ng sinabi ko sa mga babae, kailangan po na tignan mo muna kung tama ba na kumalas ka na o naiisip mo lang yan kasi nga may nakita ka lang na mas OKAY? o may pagkukulang ba siya talaga? O nagsasawa ka lang yatang talaga? Yun.

No comments:

Post a Comment