Sino nga ba ako? Ang tanong ng nakararami. Ako? Sige na nga! Sasabihin ko na sa'yo. Ako lang naman ay simpleng tao rin na nabubuhay sa mundong ito katulad mo. Wala tayong pinagkaiba. Pareho tayo. Hindi ka nag-iisa. Wala ka dapat ipangamba dahil ikaw ay ako rin. Bakit? Itanong mo kay Elmer.
(deleted) ang tunay na pangalan ko. Ang panget noh? Pero sabi nila "Maganda naman ah?" Pampalibag loob ba? Pero hindi ko ito gugustuhing palitan. Bakit? Mahalagang mga tao lang naman kasi ang nagbansag sa akin nito. Kaya kayo.. Matuto kayong makuntento sa kung anong meron kayo, minsan lang sa buhay niyo ang bigyan ng ganyang regalo galing pa sa importanteng tao sa buhay mo. At isa pa, ito lang ang natatanging regalo na matatanggap mo na hindi mo naman ginusto pero tinanggap mo at hanggang sa kamatayan dadalhin mo. Tama ba ako? Kahit mali. BWAHA.
Okay. Balik tayo sa usapan. Simple lang ako, maraming pangarap sa buhay tulad rin ng isang tipikal na tao. Pero masasabi kong kakaiba ako sa iba. Bakit? Mayroon akong karanasan na hinding hindi niyo nasubukan at masusubuksan, siyempre itatago ko muna itong isang lihim. Mahirap ibunyag, kakaiba, masakit at masaklap. BOOM~
- Si Aki bilang anak: Opo, may magulang din ako katulad niyo. Suwail akong anak, hindi sumusunod sa utos at higit sa lahat sumasagot ako. Pero nakikibagay din ako, pag alam kong kailangan ko ng gumalaw, gagalaw ako. Sadyang naabutan lang nila na hindi ako nakagalaw pero plano ko na talagang gumalaw. Naunahan lang ako! :P Pero kahit na ganoon ako, mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Hindi ko man nasasabi sa kanila yun ng harapan. Hindi lang nila alam at nararamdaman. Pero totoo at hindi ito magbabago. Makataness.
- Si Aki bilang kapatid: Hindi ako perpektong kapatid. Madalas akong nakakaaway at nakagagalitan. Subalit, isa naman akong kapatid na marunong makinig at makiramdam. Kapag alam kong galit na sila tumatahimik na lamang ako. Ayoko kasi ng may kaaway o nagagalit sa akin lalo na sa bahay na tinitirhan ko at mga importanteng tao pa sa buhay ko. (Ang maganda lang samin magagalit lang sila panandalian pagkatapos ayos na. Balik sa dati.) Kahit hindi ule :D
- Si Aki bilang kaibigan: Mas hindi ako perpektong kaibigan. Hindi ako sweet na pasasalubungan pa ang iba everytime na ako ay maga-out of town. Hindi rin ako pa-cute na siyang mangunguna sa pagsesend ng sweet SMS, email, at iba pa. Ako yung tipo ng kaibigan mamarunong makinig. Kahit na korni pa ang jokes mo, boring ang kwento ng buhay mo pakikinggan kita, ayoko kasing iparamdam sa inyo na hindi kayo mahalaga. At tandaan niyo hindi ako naging masama at MAGIGIGNG MASAMA sa harap ng mga kaibigan ko. Ayoko kasi ng may nasasaktan ako lalo na yung mga kaibigan kong kapatid na rin ang turing ko. Mahal ko mga kaibigan ko ngayon, naramdaman ko na kasi na iwanan ng mga dati kong kaibigan. :'(
- Si Aki bilang kakilala: Yep, kilala mo ang pangalan ko pero hindi mo alam ang istorya ng buhay ko. Ayoko kasi sa lahat yung hinuhusgahan ako. Pero sa mga kilala ko, hindi ako plastik. Kung ano ang nakikita mo sa akin kapag kaharap kita, ganun ang tunay na ako. Tama ka, walang perpekto pero hindi mo mararamdaman sa akin na niloloko kita. Ayun lang.
- Si Aki bilang umiibig na bata: Ah yun ba? Wag na nating pag-usapan. Masasabi ko lang na malalaman mo agad sakin pag in-love ako. Itanong mo nalang sa mga kaibigan ko. Pass ako diyan! :)
- Si Aki bilang friend sa internet: HAHA. Ako? Masayahin akong kaibigan sa net, wala rin kasi akong kaibigan sa bahay eh, naligaw na ng landas at binata't dalaga na ang iba. Kaya sa internet ako kumukuha ng friends. Maaasahan mo ko sa lahat ng oras wag lang sa paglike ng photos at fan pages mo. Nakakatamad yun. Pero kung gusto mo lang ng kausap OL ako lagi chat mo lang ako. Wag mo lang akong ligawan (Hindi ako maganda, pero opo meron! Sorry ah!) Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Wait.. Hintayin niyo ang blog kong ONLINE LOVE.
At yan ako kilala mo na ba ko? Kulang pa, hintayin mo nalang mga blogs ko. ;D Ayos ba?
No comments:
Post a Comment