Sunday, November 27, 2011


Move On.

Madalas siyang marinig kapag hindi ka makaget over dun sa isang bagay. Yun yung mas lalong madalas marinig sa mga break ups ng mag boyfriend/girlfriend? Sabi nila.. Mahirap daw ang mag move on lalo na kapag minahal mo ng tunay at wagas ang isang tao. </3

Yung sa mga bagay na talagang gusto mong mawala na o kailangan makaget over na para matapos na, para magwakas na. Minsan ginagamit natin 'to sa larangan ng pag-ibig. Tama. Iisa lang din ang depinisyon nito kung kahit saan mang bagay. Tulad ng sinabi ko kanina, 'Yung mga bagay na talagang gusto mong mawala na'. Sa pag-ibig? Ito yung kailangan mong gawin pagkatapos ng break up niyo. Yung una mong maiisip pagkatapos lahat ng sakit na dinanas mo matapos niyang sabihin o kahit ikaw mismo ang nagsabing ayaw mo na o kaya naman tapos na ang relasyon niyo. Byebye relationship.

Sabi nga sa isang palabas ang 'One More Chance' may 3 month rule daw sa break up. Enough time to realize na wala na siya, na kailangan mo ng kalimutan siya na mag MOVE ON ka na. Sa 3 months na yun understandable pa na magmukmok ka sa isang tabi, makipaginuman, makipagsapakan,  tumulala hangga't may bukas pa o kaya naman umiyak hanggang matuyo ang tearducts mo. Pero yung 3 months na yun? Time rin yun para makagawa ka ng paraan kung pwede pang maayos ang lahat; magkabalikan to analyze what happened at what have lost o kaya naman tuluyan mo ng mapagtanto at malaman mo sa sarili mo na wala na, na hindi na pwede talaga, ang wag ng umasa pa or kung mas nabuo ka nung nawala siya sa buhay mo.

Dalawa lang naman yan eh. Kung nawala man ang isang parte ng buhay mo, pwede mong piliin na maging masaya pagkatapos mong maisip at mapagtanto mo na wala na talaga siya or maging miserable ang buhay mo habang buhay at magpakailanman.

Move on? Para ka lang ring naglalaro minsan pag gusto mong maranasang mag move on. Yun bang gagawa ka pa ng mga signos kung kayo pa ba o kung gagawa ka pa ng move para magkasama pa kayo o kaya naman ihihinto mo na talaga dahil alam mong ikaw rin ang nagkulang, pwede ring ayaw niya nalang talaga sa'yo dahil nga sa tingin niya hindi pa kayo pwede o kaya naman bitin at hindi sapat ang pag-ibig mo sakanya. WHAT?

Kailangan mong mag MOVE ON kung ayaw niya na talaga. Kung sa tingin mong hindi ka naman nagkulang? Tiyak na yun, kung nagsasawa na siya sa'yo eh sigurado may dahilan kung bakit siya nakipagbreak sayo. MOVE ON dude. Kaya payo ko sa inyo, there's a lot of fish in the sea. Kaya mo yan dre, kung ating iisipin mahirap mag move on, oo, pero mas mapapanatag ka kung kaya mong pangatawanan ang mga bagay na tulad nito. ;)

PAANO NGA BA MAG MOVE ON?

Mahirap talagang mag move on lalo na kapag mahal na mahal mo yung isang tao na yun, kapag siya mismo ang bumitaw sa'yo, lalo na kapag ginawa mo na nga ang lahat sakanya, pero para sakanya nagkulang ka pa rin.

Mahirap kasi pag nagkakasama kayo naaalala mo pa rin ang nakaraan at pinagsamahan  niyno at yung mga sandaling masaya pa kayo. Mahirap magmove on kasi nga minsan hindi natin matanggap na wala na, na wala na kayo, na hindi na talaga pwede. Mahirap kalimutan ang taong yun lalo na kapag ibinuhos mo ang lahat pero natapon lang, bakit? Kasi nga masakit.

Alak? Yosi? Dota? Sana ganun na nga lang kadali ang makalimutan ang nakaraan na mawala na sa isip mo na hindi na nga kayo, na wala na siyang nararamdaman para sa'yo, na pangkaibigan nalang ang turing niya sa'yo.

Pag alam mong hindi na worth it, let go mo na. Tama ka, mahirap gumawa ng desisyon lalo na kapag alam mong hindi mo kaya, kahit gusto mo ayaw naman ng damdamin mo pero alam nating mas mahirap ang masaktan. Siyempre, ikaw? Ayos lang ba sa'yo magpakatanga?

Pano nga ba makamove on? Simple lang..
  • Umiyak ka, sige lang iiyak mo yan hindi naman masamang umiyak, ganyan talaga. Yan lang naman kasi ang pinakamadaling gawin kapag nasaktan ka diba? Kahit lalaki ka, hindi signos ng pagiging bakla ang pag-iyak ng isang lalaki, sige ilabas mo. Kaya mo yan. Mapapagod ka rin.
  • Kalimutan mo ang taong sentro ng isipan mo. Sa halip igugol mo ang iyong sarili sa makabuluhang bagay, hindi yung magmumukmok ka sa isang tabi, as if naman na sa pag-iyak mo yan eh babalik siya diba?
  • Magdasal ka, magpasalamat ka kasi siya lang ang umiwan sa'yo hindi ka iniwan ni BOSS ^ pasalamatan mo siya, humingi ka ng kapatawaran at humiling ka na sana maging malakas ka pa, na kakayanin mo pa ang mga susunod na hakbang at challenge na ibibogay niya. Isipin mo na nagsilbing challenge yun para lakasan mo pa ang loob mo. Tignan mo pagkatapos mo magdasal gagaan ang loob mo. Pramis.
  • Siyempre, LUMAYO KA SAKNYA!, Sa una lang yan, layuan mo siya hangga't maaari, kung hindi naman pwede ikaw ang gumawa ng paraan para hindi mabaling ang atensyon mo sakanya, libangin mo ang sarili mo para yung bwisit na yan na nagpahirap sa'yo ng todo eh, makalimutan mo na.
  • Mahalin mo ang sarili mo, ikaw lang kasi ang kakaintindi sa mga nararamdaman mo, isipin mo na mas mahalaga ka kesa sa pag iisip sa kanya na wala namang mangyayari kapag ginawa mo yun, wag kang masyadong papaapekto sa mga nangyayari, hindi lang ikaw ang nasaktan, malamang siya rin.
Hindi ka makakamove on kung..

  • Kung lagi mong tintignan ang profile niya.
  • Kung lagi kang nagpapadaan ng GM sakanya.
  • Kung lagi kang nagpapatama sa mga status mo.
  • Kung hindi ka matigil sa pagview ng photos niya.
  • Kung lagi mong iniisip yung masasayang sandali niyo.
  • Kung nakasave pa rin ang number niya sa'yo.
  • Kung friend mo pa rin siya sa Facebook.
  • Kung nifafollow mo pa rin siya sa Twitter, sa Tumblr, o kahit ano pang social networking sites.
Kung gusto mo talagang makamove on putulin niyo ang connections niyo. TAPOS! XD

No comments:

Post a Comment