
Sabi nila sakin ang CRUSH daw eh pambata lang? Natawa lang ako sabi ko "Bakit ako tanda ko na nagkakacrush pa ko?"
Pag crush mo ang isang tao gagawin mo ang lahat makita, mapansin at makilala ka lang niya. Yun yung tipo na pag nakita mo siya aprang tumitigil ang mundo mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Gusto mong magpapansin pero nahihiya ka, nagtatago ka pa nga sa mga friends mo eh. Pero pag iniisip mo siya parang gusto mo talagang gawin lahat mapansin ka lang niya. Kahit magtumbling at tumawid ka pa sa alambre gagawin mo kahit nga magpakain sa Leon susubukan mo mapansin ka lang niya.
Pero kahit anung gawin mo, napapansin ka nga niya pero bakit ganun? Parang balewala ka pa rin sakanya. Titignan ka lang niya tapos wala na. Makausap mo nga lang siya buo na araw mo. Ngitian ka lang niya lahat ng problema mo nabubura nalang ng kusa sa isipan mo. Ako nga eh, hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Ang masakit lang eh halos magkasalungat ang schedule namin ng pasok sa school. Ang sakit noh? Ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana..
Pero paanp nga ba nagsisimula ang crush?
STAGE 1: "Nakakaaliw siya"
Parang ganito yun, lalapit ka sa kahit na kaninong makita mo o kaibigan mo tapos itatanong mo "Uy, kilala mo ba si (Jr, Zedrik, Boy Pick Up, o kahit na sino pang lalaki yan kahit na si Elmer pa?) Siyempre itatanong ng pinagtanungan mo "Bakit?" sagot mo naman "Wala lang, nakakaliw siya, grabe lungs di ko siya crush ah? Nakakatuwa lang talaga siya, ang kulit kasi eh" Tse! Diyan na maguumpisa yan! Natuwa ka na eh, wag mu na ideny xD
STAGE 2: "Nakakamiss din pala siya"
Ayan, matik na hinahanap hanap mo na siya udut. Ganito yung sasabihin mo diyan eh "Uy, nasan si ______ ang tagal ko ng di nakikita, wala lang parang naninibago lang ako, parang dati lang kasi dito sila tumatambay ngayon wala na." Weh? Parang sa mga ganyan mong salita eh, parang hindi ka na mabubuhay ng hindi siya nakikita? Eh dati naman nabubuhay ka na hindi siya nag eexist? Tapos ngayon hahanap-hanapin mo? ABA! Sigurado ka ba talagang naninibago ka lang o ano?
STAGE 3: "Cute pala siya noh?"
Naku, konti nalang masasapak na kita. Parang ganun na rin yung gusto mong sabihin noon pa. It goes like this.. "Hoooooy! Ang cute pala ni _______ noh? Ngayon ko lang napansin, dati kas parang wala lang eh, ngayon parang.." O sige ituloy mo pa. Masyado kang denial aminin mo na kasi na crush mo. O kaya ganito "Uy ang cute niya magsmile noh? Kumikislap yung mata niya" Ano 'te? Paputok? HAHA. Yung mga bagay tulad ng (eyes, smile, nose, yung hair niya) o kahit anu pang bagay na related sakanya masabi mo lang na hindi mo talaga siya crush. Sus! Tagal mo na siyang nakikita ngayon mo lang napansin ano ka bulag? BLOG! XD
STAGE 4: "Parang crush ko na yata siya."
Tse. Isa pa, may "yata" ka pa? Ituloy mo na nahihiya ka pa eh. Tagal mong nagipon ng courage para lang maamin yan? Well, infact matagal na namang halat ayaw mo lang umamin talaga. Alam na ng buong barkada bago mo pa sabihin. At least honest ka rin sa sarili mo. ;)
STAGE 5: "Shit, todo na 'to!"
Eto na yung pinaka severe sa lahat. Kasi alam na ng barkada mo pati ikaw halos manapak ka na ng katabi sa sobrang kilig dahil nga YOU'RE FREE, FREE ka ng gawin ang lahat! Ito yung may sub levels na eh. Yun yung mga kabaliwan na gagawin mo for the sake of your-so-called love life. Ehem:
1. HIYA EPEK!
Yan yung nagmumuni muni ka lang sa isang tabi kasi nga MAHIYAIN KA. PEKENG SHET! Halos 1 inch na nga lang ang layo niyong dalawa sa isa't-isa tapos nahihiya ka pa? Kapal naman ng mukha mong mahiya pa. Okay sige, kunwari wala lang sayo. Wala ka lang reaction. POKERFACE. O kahit anu pa. Pero wait there's more.. LOL Hanggang kelan naman yan? Tatagal ka pa ba? Baka pumutok na lahat ng puputok sayo wala pa rin?
2. MABABAW.
Ah, eto naman yung madikitan o mahawakan mo lang yung split ends niya halos maglupasay ka na sa tuwa? Ibblog mo pa yun tapos ikukwento mo kay Mr. Diary mo? Ang babaw mo naman men. Kulang nalang gupitin mo yun tapos idikit mo sa scrapbook mo o kaya hindi mo na huhugasan yung kamay mo. Eh wag ka nalang maligo para smooth.
3. WALANG KATAPUSANG PAGKUKWENTO.
Uh? Eto yung wala ka na talagang makwento kundi siya, kesyo si ganun ganyan. It's all about him him him him him and it's all about you you you you. Konti nalang baka maisagot mo pa sa test paper yung pangalan niya. Duh oh? Iba na yun dre!
4. "STALKER o ADMIRER"
Ito yung siyempre pag pangit ka daw stalker ka pag may mukha ka namang ihaharap eh admirer daw yun. Tse. Dami nyung alam eh iisa lang din naman ang ginagawa niyo. Pero in short isa ka ng walking encyclopedia tungkol sa kanya, dahil lahat nalang ng ginawa o gagawin niya alam mo tulad ng address, pangalan ng buong angkan nila, birthday, biography niya o kahit na death certificate pa niya xD kulang na nga lang eh sundan mo pati sa CR at iblog mo kung ano yung ginagawa niya dun.
5. "OBSESS KA NA"
Wait, kailangan pa bang ipaliwanag ko to sa inyo? Pero... sige na nga. Yan yung halos magwala ka na pag nakikita mo siya, piniprint mo na yung picture niya na makukuha mo sa Facebook niya kahit na buhok niya lang yung kita dito o nasagi lang ng camera ang matindi pa ididikit mo pa sa kwarto mo mga picture niya tapos gagawa ka pa ng fan page niya di ka pa kuntento pati bahay nila ipiprint mo na. Yan ang obsess.
STAGE 6: GETTING TO KNOW EACH OTHER (YOUR FACE!?)
Yes. Nakanaks, kilala ka na ni CRUSH! Tuwa ka na nun syempre palakpak tenga ka na nun. Yun yung magkakakilanlan na talaga kayo? Pero ito yung pinaka dangerous sa lahat ng stage kasi may posibilidad na mainlove ka sa kanya, naku pero meron din naman na nagiging friends nalang FRIENDS ah as is! maraming posibilidad pero it's up to you kung anung nararamdaman mo wala na kong pakealam dun xD basta it's the beat for both of you.
Ohaa. yan ang crush now you know ;)